Jannelle, ‘di kailangang gamitin si Marian by: Jun Lalin

Go down

Jannelle, ‘di kailangang gamitin si Marian by: Jun Lalin

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 3:06 am

HINDI na mapigilan ang kasikatan ni Jannelle So sa Los Angeles, California, USA.
Noong bagong migrate pa lang siya sa Amerika, nagtrabaho siya bilang correspondent ng TFC (The Filipino Channel).
Dating TV reporter ng PBA si Jannelle, kaya madali para sa kanya na mapasok ang international channel ng ABS-CBN.
Noon ay nakikita ko na si Jannelle sa ilang mga party sa Amerika hanggang sa maging close ko siya nang i-cover niya para sa TFC ang baby shower ni Ruffa Gutierrez para sa noon ay ipinagbubuntis nito na si Venice.
Mabait si Jannelle, kaya madali ko siyang nakatsikahan.
Sa tuwing nagbaba­kasyon ako sa Amerika ay palagi akong niyayayang mag-dinner ni Jannelle.
Nitong huling magbakasyon ako sa Amerika, aba, sikat na si Jannelle.
May sarili na siyang magazine show sa Channel 18 (international channel sa Los Angeles, California), ang Kababayan L.A., na hindi lang niya iniho-host kundi siya ang producer.
Ang Kababayan L.A. ang only locally produced Filipino show sa L.A., kaya maraming mga kababayan natin ang proud sa achivement na ito ni Jannelle.
At dahil sikat na si Jannelle sa L.A., aba, naiintriga na rin siya, huh!
Naisulat ko na rito ang tungkol sa balitang nagtarayan sila ni Marian Rivera na dahilan para interbyuhin na rin si Jannelle ng mga Filipino journalist sa L.A.
“As much as possible, ayokong lumaki ‘yung isyung ‘yon, pero syempre, kapag may mga gustong mag-interbyu sa akin tungkol doon, ipinaliliwa­nag ko kung ano talaga ang nangyari sa amin ni Marian,” sey ni Jannelle.
Ang intriga ngayon, kaya raw nagsasalita si Jannelle tungkol sa ‘engkuwentro’ nila ni Marian ay dahil ginagamit niya ang young actress.
“Of course not. Tinatanong ako tungkol doon kaya sumasagot lang ako. Hindi ko kailangang gamitin si Marian dahil hindi ako artista.
“TV journalist ako at hindi naman artista,” paliwanag ni Jannelle.
Anyway, ang balita ko, ilang Filipino group sa Amerika ang gustong bigyan ng parangal si Jannelle dahil sa kanyang Kababa­yan L.A. show.

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: Jannelle, ‘di kailangang gamitin si Marian by: Jun Lalin

Post  downfall on Fri Aug 08, 2008 1:56 am

sino b tlga ung janelle?? Question
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum