Launching ni Dingdong sa Belo bonggang-bongga

Go down

Launching ni Dingdong sa Belo bonggang-bongga

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 3:10 am


By: Chan-Chan Torres

Pabulosa at well attended ang ginanap na launching ni Dingdong Dantes bilang James Bond 007 image model ng Belo Medical Group.

Endorser na ngayon ng Belo Medical Group si Dingdong at ang pinakabagong procedure ng klinika ang ginagamit ng aktor sa pagpapapayat, ang Belo Shape.

Non-surgical ang procedure na ito so ibig sabihin kahit after a session of treatment ay puwede nang bumalik sa taping o anumang usual schedule niya itong si Dingdong.

Kaya pala, ganito na lang kapayat ang aktor lalo na nu’ng nag-fashion show ito recently. As in, kitang-kita ang abs at wala nang mga baby fats sa tiyan at maging sa pisngi nito, huh.

Sa The Fort ginanap ang bonggang celebration at super present ang halos lahat ng GMA-7 executives gaya nina Ms. Annette Gozun, Ma’am Wilma Galvante, Ms. Reggie Magno at iba pa.

Naroon din dalawang leading ladies ni Dingdong, sina Iza Calzado at Marian Rivera.

Siyempre, hindi rin magpapa-talbog ang lady love niyang si Karylle na ever proud sa papa Dingdong niya. Ang laki ng ipi-nayat ng aktor, huh.

Sobrang supportive rin si Dra. Vicki Belo that night, siya pa nga mismo ang nag-welcome at nagbigay ng intro sa aktor bilang bagong image model ng Belo Medical Group.

Hmmn, wala naman sigurong dapat ika-insecure ang ibang endorsers ni Dra. Vicki.

Lahat sila ay sobrang alaga at may binibigyan ng Belo touch, ‘ika nga.

Nabanggit din ni Dingdong, si Zsa Zsa Padilla rin daw ang nagkumbinse sa kanya to try trimming down ng konti pa using Belo Med’s procedure. Si Zsa Zsa ay ina ni Karylle.

Dati raw, sa Greenhills branch nagpupunta ang aktor pero nagpapa-prick ng pimple at magpalinis ng mukha. Ngayon, kampante siyang alaga pati ang kanyang panganga-taawan.

Nag-enjoy ang lahat sa party at Side A band pa ang tumugtog, super ga-ling. Komento rin ng ilang naroon, wala na raw yatang ibang host ng isang event na nakakagawa nito, si Dra. Vicki lang.

‘Yun na!

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: Launching ni Dingdong sa Belo bonggang-bongga

Post  downfall on Fri Aug 08, 2008 1:55 am

malamang d naman mapapahiya si belo sa knya...


lakas kya ng hatak ni dong..
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum