Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Go down

Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 3:20 am


ISANG kasama sa hanapbuhay ang nagpasa ng e-mail ng isang Jowee Deame <joweedeame@yahoo.com.ph>, nagpakilalang fan at umaming pasimuno ng tsikang flop ang Eat Bulaga Grand Fiesta show sa Los Angeles Sports Arena.

“Paumanhin” ang nakalagay sa subject ng naturang e-mail na ipinadala sa ilang miyembro ng showbiz press nu’ng Lunes ng hapon.

Inamin ng fan ang naging pagkakamali at humingi ng tawad sa mga nasaktan ng ipinadala niyang maling impormasyon sa writers.

Narito po ang kabuuan (unedited) ng paghingi ng tawad ng taong nagpakilalang Jowee: “Totoo poh ’yan! I AM SORRY!

“Humihingi ako ng paumanhin to Eat Bulaga, to Mr. Jun Nardo, to Mr. Joey de Leon and to everyone na nasaktan in any way by my e-mails!

“Walang nagsabi sa akin na gawin ito. Ginawa ko ito ng kusa!

“This past few hours nag muni muni ako at narealize ko na wala namang magandang naiududulot ang mga email ko!

“Isa lamang poh akong fan na nasasaktan kung may masamang naisusulat sa mga iniidolo kong programa/artista. Gumagawa ng paraan para sila eh maprotektahan at matulungan!

“Napagtanto ko na sa kagustuhan kong ipromote ang mga gusto kong programa/artista eh hindi ko namamalayan nakakasakit na ako ng iba.

“Ginagawa ko na pala ang kinaiinisan ko na ginagawa ng ibang mga writer. Yun ay ang siraan ang isang programa/artista para lamang ipromote ang mga gusto nila.

“Naisip ko na ang Eat Bulaga ay marami din namang tinutulungan. Maraming umaasa sa Eat Bulaga! Marami ding napapasaya! Gaya din ng sa Wowowee.

“(Hindi lang sa kaso ng dalawang programa kundi sa mga artista din katulad nila Marian, Angel, Richard, Piolo, Ding Dong, John Loyd, Sarah, Claudine at Juday.. etc)

“Pakiusap ko lang sa ibang manunulat, gaya ni Mr. Jun Nardo, na kung gusto nilang ipromote ang kanilang gustong artista o programa eh isulat na lang ang mga magagandang bagay tungkol dito at huwag ng siraan pa ang katapat (hindi kalaban) nitong programa.

“To: Mr. Joey, minsan poh hinay hinay naman sa pagtira sa katapat niyong programa at sa iba pang programa ng ABS-CBN... hindi naman poh lahat ng tao eh kapuso meron ding mga loyal na kapamilya na nasasaktan sa bawat tira niyo... at isa pa poh Mr. Joey kung may nasulat man yung Mr. Dindo na hindi maganda eh mapatawad niyo din siya...malamang eh naimpluwensiyahan din siya ng mga opinion ko sa email ko... huwag niyo na pong idamay kung aatend man siya ng press con diyan sa GMA... malamang eh isa yan sa source ng kanyang kinabubuhay...

“(not in anyway connected poh ako kay dindo baka yan ang isipin niyo, promise!)

“May puwang para sa dalawang programa! at siguro sa mas marami pang programa!

“Kinaclarify ko lang poh ulet (re: EB ay flop sa LA)... Hindi ko poh alam ang tunay na audience turn out ng palabas ng EB... May mga nag post lang ng picture sa Internet...

“Isa galing sa mga DongYan (ding dong marian) fans at isa naman galing sa audience ng wowowee...Pinag tabi ng ibang mga ka forum ko ang mga pictures at mula doon ay gumawa na ng kuwento...

“Ni hindi alam sa forum namin na hindi pala talaga ibinebenta ang mga ticket sa bleacher seats...at dahil sa may kopya ako ng mga email ng mga manunulat eh naisipan kong kuhanin sa forum and dalawang picture at isend...

“Kung kumita poh ang EB sa LA dapat ay maging masaya ako dahil bukod sa napasaya ang mga taga LA eh yung mga taong umaasa sa EB! Sana ay maraming pang palabas ang tangkilikin ng mga Filipino sa tate.

“Mabuhay sa dalawang programa at sana ay hindi lang sa US kayo makapunta at makapag dala ng ligaya!

“Muli ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat!

“Sana ay maging mabuti na ang lahat!

“Here Signing off,

“Jowee Deame

“Trivia: Ang jowee deame poh ay hindi ko tunay na pangalan... ito ay mula sa pangalan ni Mr. Joey De Leon at Willie Revillame....

“GOD BLESS YOU ALL!”

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  eeodeguzman on Wed Aug 06, 2008 4:08 am

YAN KASI....ALA NAMAN SA VENUE EH, KUNG ANU-ANO PINAGSASABI....DAPAT,
VERIFY FIRST BEFORE YOU MAKE UNNECESSARY COMMENTS, OR BETTER STILL,
JUST KEEP YOUR MOUTH SHUT IF YOU HAVE NOTHING GOOD TO SAY OR WRITE...PEACE...... Laughing
avatar
eeodeguzman
Moderator

Posts : 8
Join date : 2008-08-06
Location : New Jersey, USA

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  tulips on Wed Aug 06, 2008 4:15 am

ayan kasi.......
thanks 4 sharing....

tulips
Moderator

Posts : 10
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  downfall on Wed Aug 06, 2008 4:43 am

eeodeguzman wrote:YAN KASI....ALA NAMAN SA VENUE EH, KUNG ANU-ANO PINAGSASABI....DAPAT,
VERIFY FIRST BEFORE YOU MAKE UNNECESSARY COMMENTS, OR BETTER STILL,
JUST KEEP YOUR MOUTH SHUT IF YOU HAVE NOTHING GOOD TO SAY OR WRITE...PEACE...... Laughing


hahaha natawa naman aq d2..hahahaha
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  nini on Wed Aug 06, 2008 5:30 am

Razz Razz Razz affraid affraid affraid AY NAKU! MK INTERNATIONAL
ANG MAGPAPATUNAY KUNG FLOP BA ANG EATBULAGA! lol! WALANG GAMOT SA TAONG INSECURE Evil or Very Mad
avatar
nini
Moderator

Posts : 14
Join date : 2008-08-06
Location : Quizon city mla. philippines

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  lenn on Wed Aug 06, 2008 7:49 pm

ang mahirap kasing tanggapin lagi yung totoo eh..

God bless & peace..
avatar
lenn
Moderator

Posts : 9
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  downfall on Fri Aug 08, 2008 2:02 am

takot naman pala siya eh...



napakaimposible naman kc....

lalo pa't nandun c dong at yan hahhaahaha
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Pasimuno ng isyung ‘Bulaga’ flop sa Amerika, bumaligtad!

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum