Dingdong, ‘kinabog’ si Piolo! by: Alfie Lorenzo

Go down

Dingdong, ‘kinabog’ si Piolo! by: Alfie Lorenzo

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 9:21 am

BUKO na ‘yung email sender na hate na hate si Jun Nardo. Itong e-mail-sender na nagtatago sa pangalang “JOWEE DEAME” (na nag-sorry na sa mga taong pinadalhan niya ng email, at nilait-lait niya) ay mukhang pakawala ng isang network para pintasan ang lahat ng shows ng GMA-7, laitin ang mga reporters na nagtatanggol at nagsusulat ng positibo sa mga shows ng GMA-7, sampu ng mga atist nito.


Lately, ang latest na hinamak nang husto ng “Jowee Deame” na ito ay si Dingdong Dantes naman, na sinabi niyang hindi marunong umarte at hindi nagre-rate ang mga shows nito!


Eh, hindi ba n­aman maliwanag pa sa s­ikat ng araw na si Dingdong Dantes ang kumabog nang husto sa popu­laridad ni Piolo Pas­cual when it comes to tele­serye, hinde bah, “Marimar” at “Dyesebel”?


Puwedeng-puwede nga raw na bayaran nga itong si “Jowee Deame” na nanlampaso sa “Eat Bulaga” na tahasan nitong sinabi na mala­king flop sa Los Angeles Sports Arena show nito nu’ng July 19, 2008.


Posible ring isa itong reporter na sobrang inggit sa apat na reporters na isinama ng “Eat Bulaga” sa first trip nila sa Amerika.


Kung tutuusin, wala namang dapat mainggit kina Dondon Sermino, Ana Pingol, Allan Diones at Ian Farinas, dahil mga barkada ‘yan ng big boss ng EB na si Malou Choa Fagar na pawang mga members din ng Wednesday Club ni Mother Lily. Sometimes it pays to be faithful to friendship, debah Ai Ai?


Kung may dapat kainggitan sa apat na first timers sa Amerika ay kabilang na kami doon dahil sa tagal na ng pagbibiyahe namin for over 30 years ay hindi kami nabigyan ng letter “I” visa, I for information na ipinagkakaloob sa mga journalists. Eh, sa loob ng 30-years ‘yung visa namin ay under the classification of Radio-TV-Movie personality kahit na nabigyan kami ng visa-ng “indefinitely” (or forever) na kinansela na ng US Embassy ang mga ganyang klaseng US visa at pinalitan na lang ng 10-years visa.


Masuwerte sina Ana, Ian at Allan, na except for Dondon ay pawang nabigyan ng “DS” or duration of stay. Meaning, puwede silang mag-stay sa USA hangga’t gusto nila nang walang limit ang stay nila. Kaya nga nagbalak si Allan Diones na manatili sa Amerika until October, kundi lang naubusan ng funds! He! He! He! He! Ani Jojo Gabinete.


So ‘yun, meron ngang karapatan ang “Jowee Deame” na ‘yan na magsintir at mainggit sa mga America first timers, noh!


Pero, don’t fret “Jo­wee Deame” dahil magkakaroon ka ng chance na makabiyahe sa amerika via Joey de Leon.


Magbibigay raw si Joey ng free airplane tickets for two kung sino ang makapagsasabi na may isang GMA-7 exe­cutive ang nagsabi na isang malaking flop daw ang Eat Bulaga show sa Los Angeles. May baon pang 5,000 US dollars ‘yung tiket kaya “Jo­wee Deame” magsabi ka na ng ‘I am sure’ imbento mong name ng GMA-7 executive para makabiyahe ka na ng Los Ange­les. Chance mo na rin nga­yon para ma-fire out sa EB si Joey de Leon. Kasi, sey ni Joey magre-resign na siya sa lahat ng shows ng GMA-7 pag napatuna­yang sinabi nga ng isang GMA-7 execu­tive ang mga imbento mo! Go now!


Eh, kung me­ron mang GMA-7 executive (I doubt it a thousand times na meron nga!) na nagsabi na nag-flop ang EB show sa L.A. may aamin naman kaya?


Kaya ba ang lakas ng loob ni Joey de Leon na manbalato ng 5 thousand US dollars at mag-resign sa lahat ng shows niya sa GMA-7 dahil sigurado siyang wala namang magtatraydor sa kanya ng ganoon sa GMA-7?

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: Dingdong, ‘kinabog’ si Piolo! by: Alfie Lorenzo

Post  downfall on Fri Aug 08, 2008 1:51 am

)Eh, hindi ba n­aman maliwanag pa sa s­ikat ng araw na si Dingdong Dantes ang kumabog nang husto sa popu­laridad ni Piolo Pas­cual when it comes to tele­serye, hinde bah, “Marimar” at “Dyesebel”?)

tama toh..hahahaha nakakatawa....
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum