Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Go down

Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 9:35 am

TALAGANG kasikatan ngayon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil sa matagumpay na tambalan nila sa Marimar at Dyesebel na sinusubaybayan ng napakaraming Pinoy.
Tuwang-tuwa ang mga GMA executive na nagdesisyong pagtambalin ang dalawa.
Sa mga promo ng GMA Pinoy TV ay sina Marian at Dingdong ang mabentang-mabenta.
Matapos ang guesting nila sa successful na Eat Bulaga Grand Fiesta sa Los Angeles, CA ay sila muli ang magiging pa­nauhin courtesy of GMA Pinoy TV sa annual Filipino Expo sa Secaucus, New Jersey na 20 minutes away from New York City.
Sa pakikipaghunta­han namin kina Dingdong at Marian ay tuwang-tuwa ang mga ito sa suporta sa kanila ng network na nagpasikat sa kanila.
Panay-panay sila ng kate-taping ng Dyesebel dahil sa ilang biyahe nila ni Dingdong sa ibang bansa.
Kailangan may mga advance taping sila para hindi kulangin sa mga araw na nasa ibang bansa sila para i-promote ang GMA Pinoy TV.
Paalis pa si Marian pa-Australia para sa pictorial niya ng Jag Jeans. Ilang araw rin ‘yun at balik-‘Pinas siya para sa taping ng Dyesebel bago bumiyahe papuntang Secaucus, New Jersey.
***
Masayang-masaya si Dingdong sa nangyayari sa career niya.
Basta ang sa kanya ay pagbubutihin pa rin niya para marating niya ang matagal na niyang pinapa­ngarap.
Hindi pa rin siya tumitigil at sobra ang pasasa­lamat niya sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa kanya.
Gaya ng ibang sikat na artista ay ibinabahagi niya ang blessing na dumadating sa kanya.
Hindi nagbago si Dingdong sa gitna ng mga biya­yang tinatamasa niya ngayon.
Matagal na rin siya sa showbiz at mukhang maganda ang 2008 para sa kanya sa dami ng magagandang offers na dumada­ting sa kanya, plus ang mga endorsement ng iba’t ibang produkto.
Bukod sa TM ay isa na rin siya sa mga Belo endorsers. Hindi na bago sa kanya ang Belo Medical Clinic dahil tatlong taon na siyang nagpupunta-punta rito.
Ang kaibahan lang, noon ay nagbabayad siya sa bawat treatment niya sa pamosong clinic. Ngayon siya na ang binabayaran para i-endorse ang Belo at lib­re pa ang treatment.
Binigyan si Dingdong ng bonggang launch ng Belo Medical Group sa NBC Tent noong Linggo nang gabi.
Kasabay niyon ang birthday celebration niya.
Sa catering na inihanda ng Belo Medical Group ay napag-alaman namin na nagpadagdag si Dingdong ng 150 plates na siya mismo ang nagbayad.
Sabi nga ng kausap namin ay may sarili siyang kontrata with the catering company na kinuha ng Belo Medical Group.
Timing na rin ang launch ni Dingdong as new endorser ng Belo dahil anniversary month rin ng nasabing clinic.

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Post  luvkoyan on Wed Aug 06, 2008 2:51 pm

salamat sa pag share, happy din ako sa mga blessings na natatanggap nila, sana keep up the goodworks at sana marami pang dumating na blessings sa kanila. cheers cheers
avatar
luvkoyan
Moderator

Posts : 10
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Post  lenn on Wed Aug 06, 2008 7:32 pm

bounce bounce bounce bounce

more blessings pa.. and gud health

cheers cheers cheers cheers
avatar
lenn
Moderator

Posts : 9
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Post  nini on Thu Aug 07, 2008 9:32 pm

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

wala na talaga akong masasabi bounce bounce bounce

congtats nalang sa dalawa Very Happy Very Happy Very Happy
avatar
nini
Moderator

Posts : 14
Join date : 2008-08-06
Location : Quizon city mla. philippines

View user profile

Back to top Go down

Re: Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Post  downfall on Fri Aug 08, 2008 1:22 am



ayan ang tinatawag na blessings...

hahahaha


sana marami pang sumunod
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: Marian-Dingdong, mabenta sa GMA Pinoy TV by: Joe Barrameda

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum