PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Go down

PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 2:37 am

Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Ruel Mendoza

Wednesday, August 6, 2008
09:29 AM



Marian Rivera will turn 24 on August 12 at simple lang ang gusto niyang selebrasyon. Mas gusto raw niyang mag-celebrate kasama ang kanyang pamilya sa Cavite, pati na ang mga malalapit niyang mga kaibigan in and out of showbiz.



Hindi raw kasi sanay si Marian na nagkakaroon ng malaking party. Tama na raw yung may cake at ilang putahe na magugustuhan niya at ng kanyang mga bisita.



"Hanggang ngayon naman, gano'n pa rin ako. Hindi ako yung mahilig sa big parties. Naguguluhan ako kapag gano'n. Gusto ko nga mag-celebrate ako ng birthday ko na naka-shirt at jeans lang. Kasi gano'n talaga ako at hindi ako sanay mag-dress. Pero dahil nagbigay ng magandang celebration ang SOP sa amin ni Dingdong [Dantes, her screen partner], nag-abala talaga ako sa pananamit. Pero noon, hindi mo ako mapagbebestida. Ayos na sa akin ang naka-maong jeans lang ako," lahad ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makusap namin siya pagkatapos ng double celebration nila ni Dingdong Dantes sa SOP last Sunday, August 3.



HOT ENDORSER. Kung tutuusin ay kaya ni Marian na magbigay ng bonggang birthday party dahil sa sunud-sunod na endorsements niya. Umabot na nga sa 20 ang endorsements ngayon ni Marian. Ilagay na lang sa P1 million ang bayad kay Marian kada produkto, tumatanginting na P20 million ang kinita ng Dyesebel star mula sa endorsements niya.



"Tama lang naman ang bayad sa akin," nakangiting sabi ni Marian. "Natutuwa ako kasi nandoon yung tiwala ng mga taong ito sa akin. Pero hindi naman kami basta tumatanggap ng manager ko [Popoy Caritativo] nang basta-basta. Gusto namin ay yung produkto na abot-kaya rin ng masa. Kung ano ang gamit ko, magagamit din ng marami, lalo na ng mga sumusuporta sa mga shows namin."



Mukhang may pang-21st endorsement na si Marian at food product daw ito. Pero hindi pa niya puwedeng banggitin kung ano ito.



"Under negotiation pa ang lahat, pero mukhang okay naman. Kasi food product na lang wala ako, di ba? Meron na akong shampoo, sabon, toothpaste, skin clinic, damit, health drink, sunglasses, jeans, telephone company, at iba pa, pero wala pang food product. Kaya abangan na lang nila ‘yon."



"SIMPLENG TAO." Kung ilarawan ni Marian ang kanyang sarili ay simpleng tao pa rin. Kahit na nga siya na ang isa sa pinakasikat at pinaka-sexy na aktres ngayon sa TV at pelikula, wala raw nababago sa kanya.



"As much as possible nga, gusto ko ay simple lang. Kasi simpleng tao pa rin ako hanggang ngayon. Kahit na sabihin nilang iba na ang estado ko sa buhay, still, I consider myself as a simple person with simple needs. Kung ano ang mga dumarating ay kino-consider ko na regalo sa akin ng Diyos."



Ikinuwento nga ni Marian na noong bata pa raw siya ay madasalin na talaga siya. Kaya raw siguro Marian ang ipinangalan sa kanya dahil lumaki siya na marunong magdasal at magpasalamat sa Diyos.



"Nasa pangalan ko nga raw ang maging malapit sa Diyos. Hindi ba Marian means Mary, ‘tapos ang family name ko ay Gracia which means grace. Tsaka nakalakhan ko na talaga ang nagdadasal parati lalo na noong nag-aaral ako. Buong family ko naman kasi talagang malapit sa Diyos. Yun ang natutunan ko ever since, na kapag may blessing o kahit na wala, dapat ay parati tayong nagpapasalamat sa Diyos. Naniniwala kasi ako sa power of prayers," lahad ni Marian.



WISH LIST. May wish list ding ginawa si Marian para sa mga gusto niyang mangyari sa buhay niya. Tuwing matutupad ang isang wish na nakalista ay nilalagyan niya ito ng check.



"Nag-aaral pa lang ako sa college noong gawin ko ang wish list ko na ‘yon. Lahat ng gusto kong ma-achieve, nilista ko at ang haba ng listahan ko. Pero unti-unti na ngang nababawasan kasi natutupad na yung iba.



"Kaya natutuwa nga ako kapag may nangyayari sa akin at kasama sa wish list ko, lalagyan ko ng check sa tabi kasi nga natupad na ito. Marami-rami pa naman ang wish list ko at, hopefully, matupad lahat. Yung iba kasi, personal na mga wishes ko na."



Kasama ba sa wish list niya ang pakikipagrelasyon at pagkakaroon ng asawa?



"Siyempre, meron dun," sagot niya. "Hindi puwedeng mawala ang mga ‘yon sa listahan. Pero feeling ko, matagal pang mangyayari ang mga ‘yan. Yung mga personal wishes ko, hindi pa masyadong natutupad lahat. Mostly mga para sa career ko at sa family ko ang nauuna.



"Hindi naman ako nagmamadali na mag-asawa, e. Hindi pa ‘yan pumapasok sa mga plano ko. Marami pa akong gustong gawin at matupad. Pero it's nice to know na may pansarili kang kaligayahan, di ba? Pero kung ano man mangyari sa personal kong buhay na ‘yan, sa akin na lang ‘yon para mas special ang dating," ngiti ni Marian.



BIRTHDAY WISH. Kung may birthday wish si Marian na gustong matupad, iyon ay ang makita niya ang kanyang ama na limang taon na niyang hindi nakakasama, si Francisco Javier Alonzo Gracia. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Marian at nandito sa Pilipinas ang kanyang ina samantalang sa Spain nakatira ang kanyang ama, na isang pure Spanish.



"Siyempre, miss na miss ko na si Daddy," pag-amin ni Marian. "Kaya nga kapag mapagbigyan ako ng mahaba-habang bakasyon, pupunta ako sa Spain para bisitahin si Daddy pati na ang ibang kamag-anak namin doon.



"Dito kasi ako sa Pilipinas nagtapos ng college at noong mag-graduate ako, nagtuluy-tuloy na akong mag-work hanggang sa maging artista ako. Five years ko na ngang hindi nakikita si Daddy, pero nagkakausap naman kami. Pero iba pa rin yung katabi mo siya at kayakap mo ang daddy mo, di ba? Lalo na't daddy's girl pa ako kasi wala akong kapatid, e."



FREE BIRTHDAY CONCERT. Sa August 27 ay may free birthday concert si Marian kasama si Dingdong sa Araneta Coliseum. Ito raw ang regalo nila sa kanilang fans na walang sawang sumusuporta sa kanilang team-up.



"First time ko itong gagawin at sa Big Dome pa," sabi ni Marian. "Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko, pero may dance number ako at kakanta rin ako. May mga guest naman kami ni Dong kaya mag-e-enjoy silang lahat. Plus, free pa ang entrance kaya kahit sino ay puwedeng makapasok at makisaya sa amin ni Dong."



Paano kung sa gabi ng kanyang birthday concert ay biglang dumating ang kanyang ama para sorpresahin siya? Ano ang una niyang gagawin?



"Grabe, wala akong magagawa!" tawa ni Marian. "As in iiyak na lang siguro ako doon sa sobrang tuwa. At siyempre, yayakapin ko ang daddy nang sobrang higpit dahil matagal na kaming hindi nagkita.



"Gusto ko kasing maging proud si Daddy sa mga na-achieve ko sa buhay. Isa nga ‘yan sa mga nasa wish list ko, e. Alam ko naman na nakakarating sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Kung matupad man ang wish ko na ‘yan, ito na siguro ang magiging pinakamasayang birthday ko," pagtatapos ni Marian.

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  luvkoyan on Wed Aug 06, 2008 3:31 am

sana matupad ang wish mo Yanyan na makita mo ang Dad mo, para sa akin wish ko na rin yan sa iyo.. Smile Smile
avatar
luvkoyan
Moderator

Posts : 10
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  nini on Wed Aug 06, 2008 5:35 am

WISH KO RIN SAYO MARIAN, ALAM KO MAHAL KA NI GOD Very Happy Very Happy Very Happy
HUWAG KANG MAG -ALALA! SA DARATING NA AUGUST 27, YOUR
WISH IS GUARANTEED! SUSUNDUIN KO ANG DADDY MO SA SPAIN
PANGAKO YAN... bounce bounce bounce flower lol!
avatar
nini
Moderator

Posts : 14
Join date : 2008-08-06
Location : Quizon city mla. philippines

View user profile

Back to top Go down

Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  mamabelle on Wed Aug 06, 2008 6:32 am

Because you've been a very good girl, your wish is granted! See you on the 27th Smile Smile Smile

mamabelle
Moderator

Posts : 3
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  mcgrayce on Wed Aug 06, 2008 8:16 am

Whoa! Ano guys, talaga bang tutuparin nyo ang wish ng ating Lady Marian?

mcgrayce
Moderator

Posts : 1
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  heaven02 on Wed Aug 06, 2008 2:50 pm

mamabelle wrote:Because you've been a very good girl, your wish is granted! See you on the 27th Smile Smile Smile

Smile Very Happy wow mareng belle totoo ba 'to! pls! ans. me , sana naman para makumpleto na ang kaligayahan ni idol...

heaven02
Moderator

Posts : 5
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  lenn on Wed Aug 06, 2008 7:33 pm

we'll pray for that...

---malakas din naman si Yanyan ke Lord eh...

Very Happy
avatar
lenn
Moderator

Posts : 9
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera's birthday wish is to see her father again

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum