Suplada image, hindi mawala kay MARIAN

Go down

Suplada image, hindi mawala kay MARIAN

Post  Admin on Wed Aug 13, 2008 3:18 am

Suplada image, hindi mawala kay MARIAN
Rose Garcia

LET’S Celebrate Dingdong & Marian’s birthday, ang title ng show nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Araneta Coliseum sa August 27.

Although, wala pang ideya si Marian kung ano ang mga gagawin nila at mangyayaring surpresa sa birthday show nila ni Dingdong, na-excite na agad siya.

“Ang galing kasi, ang gaganda ng mga sinabi ni Direk Louie Ignacio. Ang alam ko lang, tig-pito kami ng gagawin ni Dingdong, pero hanggang doon pa lang ang alam ko,” masayang sabi ni Marian.

Sa kabilang banda, itinanggi ni Marian ang isyung kesyo nagsuplada raw siya noong nasa Amerika siya kamakailan.

“Hindi naman po totoo ‘yun. Kasi, sa totoo lang, nagtulog lang din po ako roon. Kapag may nagpapa-picture, okey, picture. Kapag tapos na, tulog ulit. Ganoon lang,” sagot niya.

Bakit ba hindi na nawala ang suplada image na ina-associate sa kanya?
“Eh, ganoon po yata talaga. Okey lang kung ganoon po ang tingin nila sa akin.

“Siguro, may ganoong factor talaga kung minsan. Kapag tahimik kasi, akala nila suplada.

“Ang maganda lang na sabihin ko ay tanungin niyo ang mga taong nakakatrabaho ko at nakakasama ko. Sila ang tanungin niyo kung gaano ako kakulit at kapilya at sobrang kalog sa taping. Na hindi nila ine-expect na ganoon pala ko,” depensa na lang ni Marian sa sarili.


---------
thanks to mods milli
avatar
Admin
Admin

Posts : 23
Join date : 2008-08-06

View user profile http://marianrivera.forumotion.net

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum