PEP: Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Go down

PEP: Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Post  ptrp1977 on Wed Aug 06, 2008 2:41 am

Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Rose Garcia

Monday, August 4, 2008
10:30 AM



Pagkatapos na pagkatapos ng birthday special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa SOP sa Studio 3 ng GMA Network kahapon, August 3, nagtuloy sila agad upang harapin ang ilang entertainment press sa second floor ng para sa maikling interview. Ito ay kaugnay ng kanilang two-in-one birthday special, Let's Celebrate Dingdong & Marian's Birthday Blowout, na gaganapin sa August 27 sa Araneta Coliseum.



Marian will turn 24 on August 12 and Dingdong turned 28 last August 2.



Kuwento ni Marian, "Sa August 27 po, may free admission ‘yan for the fans. Tigpi-pitong numbers po ang gagawin namin ni Dingdong."



Bukod sa kanilang production numbers, wala pa raw talaga silang idea kung ano ang actual na mangyayari sa birthday show nila.



"Wala pa, e, wala pa kong idea. Actually, kinausap naman ako ni Direk Louie Ignacio, naaliw naman ako. Ang galing! Ang ganda!" masayang sabi ni Marian.



MONEY MATTERS. Bukod sa malaking tagumpay ng kanilang fantaserye na Dyesebel, na follow-up sa phenomenal hit na Marimar, kaliwa't kanan din ang product endorsements nina Marian at Dingdong. Bukod sa kani-kanilang endorsements, magkasama rin ang dalawa sa San Mig Light and soon sa Gran Matador Brandy.



Tuloy, biro ng ilang press kay Marian, ang yaman na niya siguro. May nag-attempt na magtanong sa young actress kung magkano raw ang talent fee niya per commercial.



Nakangiti namang sinabi ni Marian na, "Huwag na po yun. Akin na lang yun. Basta ano, nag-iisip ako at alam ko kung paano ko hawakan ang pera ko sa mabuting paraan at para sa future ko."



May business na ba siya?



"Actually po, hindi business, e. May mga lupa, investment po. Basta marami akong mga plano sa buhay. Siguro hindi naman mawawala kung ilalagay ko sa bangko. At least, may interest pa kung ita-time deposit ko siya. Hinay-hinay lang. Mahirap din naman kasi yung bili ako nito, bili ako nun. At saka basta naman may pera, madaling bumili kahit na ano pa ang gusto mo," pahayag niya.



Hindi pa raw napag-iisipan ni Marian ang pagnenegosyo.



"Sabi nga ni Direk Joyce Bernal sa akin, ang business ko, yung hitsura ko. Yung mukha ko na dapat kong alagaan. Ngayon, kung wala na ako sa showbiz at ayaw ko na, yun lang ang time na dapat mag-business ako para ako mismo, mai-manage ko nang tama. Kasi kung ngayon, wala raw po, e."



BIRTHDAY WISH. During Marian's birthday celebration sa SOP, isa sa nabanggit niyang birthday wish niya ay sana ay humaba pa ang buhay ng lola niya, na present sa Studio 3 kahapon. May napansin ba si Marian na naging pagbabago sa lola niya ngayong isa na siya sa maituturing na pinakasikat na artista ng Pilipinas?



"Wala naman pong nagbago sa lola ko," sabi ni Marian. "Ang nabago lang, palaging nagpapa-develop ng picture! Pagdating sa akin, ‘Anak, pirmahan mo ‘to.' Parang, ‘Lola naman, ang dami naman...' So sige, pirma, pirma!"



Marian's grandmother is now 78 years old, pero malakas pa rin daw ito. Matagal na rin daw hinihikayat ni Marian na sumama sa kanya at tumira sa condo niya ang kanyang lola, pero ito raw mismo ang tumatanggi.



"Ang sabi niya sa akin, mahirap daw sa isang katulad niya na palaging nasa garden, nag-aalaga ng mga halaman at pagkatapos biglang sa condo lang siya, nood ng TV... So baka raw lalo lang siyang manghina.



"So, pinabayaan ko siya. Yung normal na buhay niya, ganoon pa rin siya. Nakakaalis pa rin siya. Nakakapunta pa rin siya kung saan-saan, nag-a-outing sila ng mga tropa niya. Ang tawag kasi nila sa kanya, Kapitana. Hanggang ngayon, ganoon pa rin siya," lahad ni Marian.



Sikat na rin ba ang lola niya sa kanila sa Cavite?



"Mas sikat pa nga po siya sa akin, e!" natatawang sabi ni Marian.



THE PRICE OF SUCCESS. May nagtanong naman kay Marian kung ano naman ang mga nabago sa kanya ngayon sa tinatamasa niyang tagumpay.



"Wala namang nabago," sagot niya. "In terms of intriga naman, tanggap ko na yun palagi. Kahit ano naman ang sabihin ng mga tao sa akin, wala akong magagawa. Bilang isang artista, yun naman ang pinaka-koneksiyon. Kung hindi ka artista, kung simpleng tao ka lang, wala naman sigurong ganoon.



"Ito ang kailangan kong bayaran sa pagiging ako, yung simpleng intrigang ‘yan. Pero wala akong magagawa ro'n. As long as wala akong natatapakang tao, marami akong napapaligaya at alam ko na totoo ako sa sarili ko, lalo na ang pamilya ko na kilalang-kilala ko, solved na ako ro'n!


"Di ba nga, palagi kong sinasabi, pulaan na ako ng ibang tao, sabihin na nila ang gusto nilang sabihin sa akin, ang importante sa akin, malinis ang puso ko at wala akong sinasagasaan. Okey na ko ro'n," pagtatapos ni Marian.

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Post  lenn on Wed Aug 06, 2008 2:48 am

i love direct joyce..tama sya..di kailangan ni Marian ng ibang business for now..

---gud thing people around her eh..magagaling mag-isip.

cheers
avatar
lenn
Moderator

Posts : 9
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Post  iiinayra on Wed Aug 06, 2008 3:06 am

ang sweet talaga niya sa lola niya. Smile laking lola din ako so i know how she feels.
nung sa SOP nga, nung sinabi niya bilang wish na sana mas humaba pa buhay ng lola niya, i felt like crying.
na-touch talaga ako. nung makita ko si lola na naluha, mas tumindi emotions ko, buti na lang napigilan ko. Very Happy Very Happy Very Happy
avatar
iiinayra
Moderator

Posts : 9
Join date : 2008-08-06
Age : 29

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Post  downfall on Wed Aug 06, 2008 4:25 am

grabe tag7 cla....


sayang naman ang pagkakataon...
avatar
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Re: PEP: Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum