MARIAN at JOHN LLOYD Movie, ipoproduce ng Regal at Star Cinema

Go down

MARIAN at JOHN LLOYD Movie, ipoproduce ng Regal at Star Cinema

Post  Admin on Thu Aug 14, 2008 11:08 pm

Marian at John Lloyd movie, ipoprodyus ng Regal at Star
(DONDON SERMINO)


MATAPOS makuha si Richard Gutierrez ng Star Cinema para ipareha kay KC Concepcion sa pelikulang For The First Time, si Marian Rivera naman daw ang target ng Star Cinema na kunin, para ipareha naman kay John Lloyd Cruz?

Sabi-sabi na mismong si Mr. Gabby Lopes ng ABS-CBN daw ang nag-utos sa Star Cinema na kunin si Marian?

Anyway, para sa impormasyon ng lahat, si Marian ay may kontrata sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde. Meaning, si Mother Lily ang may karapatan na magdesisyon kung dapat bang ibigay si Marian sa Star Cinema o hindi.

Pero, ang nakarating sa aking balita, tila payag si Mother Lily sa paggawa ng pelikula ni Marian sa Star Cinema. Ang sabi pa, joint venture raw `yon ng Regal at Star?

At mukhang matutuloy ang project na `yon, dahil balita ko ay desidido si Mother na muling makatrabaho ang Star Cinema.

For the longest time, sa GMA Films nakikipag-joint venture si Mother Lily.

Nangangahulugan ba `yon na tapos na ang pakikipagtrabaho ni Mother Lily sa GMA Films, o type lang niyang gawan ng pelikula si John Lloyd Cruz, at ang pakikipagtambal kay Marian Rivera lang ang puwedeng maging solusyon, para matupad ang gusto niya?

Anyway, balita ko rin ay hindi na itutuloy ni Mother Lily ang pagdedemanda sa Star Cinema, dahil kay Angel Locsin? May kontrata si Angel kay Mother, at hindi siya puwedeng gumawa ng pelikula sa Star Cinema, hanggang hindi natatapos ni Angel ang kontratang pinirmahan niya sa Regal.

Sabi, si Father Remy ang nagpaalala kay Mother, na sa panahon ngayon, mas maganda kung magkaroon siya ng maayos na relasyon sa ABS-CBN, kesa makipag-away.

Kunsabagay, wala namang pinagkaiba ang pakikipag-joint venture ni Mother Lily sa Star Cinema, sa pakikipag-joint venture na ginagawa ng Viva Films sa GMA Films at Star Cinema, `di ba?
avatar
Admin
Admin

Posts : 23
Join date : 2008-08-06

View user profile http://marianrivera.forumotion.net

Back to top Go down

Re: MARIAN at JOHN LLOYD Movie, ipoproduce ng Regal at Star Cinema

Post  marian_reign on Wed Aug 20, 2008 10:53 pm

basta c Marian...Go aq jan!!!

marian_reign
Moderator

Posts : 1
Join date : 2008-08-20

View user profile

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum