KC-Chard at Marian-Dong, naulit ang tapatan! Humanda ka, Annabelle Rama!

Go down

KC-Chard at Marian-Dong, naulit ang tapatan! Humanda ka, Annabelle Rama!

Post  ptrp1977 on Mon Feb 02, 2009 9:49 pm

by: Alfie Lorenzo

LIVE guesting nung linggo sa The Buzz sina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa movie nilang “When I Met U” ng GMA/Regal Films na may premiere night sa Feb­ruary 10 at kinabukasan, February 11 ay regular showing na ito sa more than 100 theatres.


Live guests din ng “Showbiz Central” nung Sunday same time sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para naman sa nag-pilot telecast kagabi na third teleserye nilang “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang”.


Ano? Tapatan na naman at sabayan uli? Inakupu!!!


Tapatan nga, at pareho naman ang isyu na tinatanong sa kanila, na kung kailan ba talaga sila aamin na sila na nga, o sila na ba talaga.


Hay naku, ano na naman kaya ang magiging reactions ni Annabelle Rama this time? Mapapanood kaya natin uli siya ng sabay-sabay sa “The Buzz” at “Showbiz Central” this coming Sunday in the two talk shows hos­ted by her daughter (Ruffa) and son (Raymond)?


Para naman kasing yesterday only when Annabelle raised hell dahil sinabayan ng one night concert nina Marian at Dingdong sa Araneta coliseum ‘yung opening day ng first KC-Richard movie.


Heto na naman at parang history repeating itself na naman. Parang onli in da Pilipins?


Naku, humanda ka, Annabelle Rama!


Wala pa akong alam sa KC-Richard movie.


So ito munang Ma­rian-Dingdong teleserye ang ating harapin.


Binanggit ko sa co­lumn ko the other day na may matinee idol na pupunta sa bahay ko for candlelight dinner sana -- pero may rehear­sals pala sa gabi si idol hanggang midnight kaya baka hindi na makaya ng powers niya, eh maindyan kami.


Our matinee idol is Dong with the big Ding? Or is it Ding with the big Dong?


Yup, no one else but Dingdong Dantes!


This gentle man of a gentleman from Ateneo is a man of few words. Kaya nga siguro number 3 siya sa sexiest man in the world at pang pilot episode pa ng AXN Channel na “The Duke” as one of the most successful men in Asia.


Pero sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling nakatapak sa lupa ang mga paa ni Dingdong.


Ang Linggo ni Dingdong ay nagsimula sa “SOP”, tuloy sa “Showbiz Central” at rehearsal sa gabi para sa shows nila abroad ni Marian Rivera.


Sa Guam ang punta nila, first time ni Dingdong sa maliit na isla na hindi ko ipagpapalit ang ganda ng Cebu City.


So, since na-moved ang dinner namin ni Dingdong nag-text siya sa akin kung pupuwede siyang pumunta sa bahay ko ng 3:00 pm after “SOP” at dito na lang maghihintay ng oras pagpunta naman sa “Showbiz Central”.


Sige, eh di text-text kami. And here’s a sample of Dingdong’s being a man of few words. Ang ganda ng conversation namin.


Dingdong: (Friday night) - “Tito Alfie, saan ka sa Sunday ng gabi?”


Sagot ko, sa bahay lang.


Dingdong: “Ok Tito, bisita ako sa inyo.”


May tinext ako. Sagot ni Dingdong: “Alright.”


Sabado nang gabi, Dingdong text again: “Hi Tito, may rehearsal ako tomorrow night till midnight. Saan po kayo ng mga hapon after SOP? Mga 3:00 pm? Puntahan namin kayo....”


May isinagot ako.


Dingdong: “ha! Ha! Ha! Alright!”


Text back ako.


Sagot ni Dingdong: “Ayus!”


Text ako uli kay Dingdong.


Ang sagot: “Ano ‘yun?”


In-explain ko.


Dingdong: “Ah, ok. He! He! He!”


May tinext akong isyu.


Dingdong: “’Yan ang akala nila!”


Explain ako.


Dingdong: “Oks!”


Isa pang text ko kay Dingdong.


Ang sagot: “No problem!”


Dingdong: “Ok text me agad.”


Sunday after “SOP”.


Dingdong: “Papunta ako diyan in 40 mins.”


Eh, ‘di itinuloy ko ang tina-type ko for Abante, nung heto na ang apo kong si John-John na nanghula na naman.


“Pupunta si Dingdong dito? Siguro si Marian lang ang pupunta,” ani John-John.


Eh, si Dingdong nga lang ang kausap ko papaanong napasali si Ma­rian?

Hindi sumagot ang apo ko.


Nakita ko siya sa mo­nitor na bumaba sa hagdan at lumabas ng pintuan.

Maya-maya pa ay bumalik at nagtatatakbo pabalik ng kuwarto ko.


“Lo, si Marian! Si Marian!” aniya.


At hayun ang big stars ng “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang” kaharap ko, parehong nagbeso-beso sa akin. May dala silang malaking kahon na alam kong cake ‘yun -- pero hindi ko alam na alam nila ang favorite flavor ng apo ko na chocolate.


Kaya hayun ang John-John, ang tanong: “Gift ko?” As if extended din ang 8th birthday ni John-John ng December, huh! Like lolo, like apo?


Nagtitinginan lang kaming tatlo nina Marian at Dingdong. Hindi kami tumulad sa maraming repor­ters na kailangang sa bibig pa mismo ng mga “kriminal” manggaling ang pag-amin.


Kung ano ‘yung nakikita namin, ‘yun na ‘yun. Hindi na kailangang tanungin kung “Kayo na bang dalawa talaga?”


Ano ako, born yesterday at may diapers pa ngayon? Ay, 70 na nga pala ako at dapat naka-adult diapers na, noh! Pero wala pa po. Sori kayo!


Ang napag-usapan namin ay ang “Babaeng Hinugot Sa Aking Tad­yang” na third of their TV team-ups. Kung top-ra­ters ang “Marimar” at “Dyesebel”, umaasa akong indeed they come in threes. (ITUTULOY)


And I pointed out na kapuwa nagtulungan sina Marian at Dingdong for their own glory. Hindi si Marian lang o si Dingdong ang nagdadala ng team kundi symbiotic sila, nagtutulungan at ang joint efforts nila paid off.


Marami kaming off the records na napag-usapan. Alam ko namang mula’t sapul ay nakikinig na si Dingdong sa mga satsat ko (for him) kahit na for me ay mga indirect advises ‘yun which he also take into consideration, if not follow.


Sabi ko sa dalawa, make your eyes wide open, be wary at mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa inyo, pick the good ones and snub the bad ones!


Habang nanduon ang dalawa ay nakatutok kami sa GMA at kundi pa namin sila itinaboy dahil nagsimula na ang “Showbiz Central” ay baka nagtagal ang tsika namin kahit na they refused to drink anything na serve by John-John.


Hayun, picture-taking at bumaba na sila, and promised to be back when they find the time.


Pagbaba nga ng dalawa, aba, sangkatutak na ang mga kapitbahay naming may kanya-kanyang camera rin para magpa-picture with Marian and Dingdong.


Biro ko pa nga, “Hayan, tingnan nga natin kung isnabera nga ang Marian!”

Natawa si marian and she pretended to run to embrace ang mga naghihintay para magpa-picture. Lahat sila napagbigyan sa picture-taking na ang kapalit naman ay ang pangako ng mga kapitbahay namin na manonood silang palagi ng “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.”


Oh, debah may katuturan din ang pagpunta sa amin nina Marian at Dingdong?


Kayo riyan, kelan niyo naman ako maaalalang dalawin?

_________________
avatar
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

View user profile

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum