Clickadora: Pacman at Darna, magsasama na! by Mica Rodriguez

Go down

Clickadora: Pacman at Darna, magsasama na! by Mica Rodriguez

Post  jamonarch on Mon Jul 27, 2009 10:04 pm

HINDING-HINDI NA TALAGA paaawat ang Kapuso network sa pagtatambal kina Manny Pacquiao at Marian Rivera sa isang sitcom na ipapalabas ngayong taon!

Kamakailan lang, kinumpirma na ang pagbuo ng sitcom ni Pacman. Nasa pre-production stage na raw ito at marami ang nagulat dahil ang makakapareha nya, walang iba kundi ang napakaseksing si Marian Rivera! Pacman at Darna?! Why not!? Tingnan nyo na lang ang mga litratong ito ng dalawa na kuha sa backstage ng SOP noong Marso. Di ba ang lakas ng chemistry nila?!

Si Jinkee pa raw mismo ang pumili kay Marian at ikinatuwa naman ito ng aktres. Sa ngayon, sa Darna muna ang focus ni Marian pero mukhang excited na rin ito sa kanyang kauna-unahang comedy show. Ano kaya itong narinig namin na pati si Mommy Dionesia ay kasali sa sitcom?! Naku po! Sana nga, totoo ito dahil paniguradong riot-to-the-max ito!

jamonarch
Moderator

Posts : 3
Join date : 2008-08-06

View user profile

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum