MarianKnights
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

4 posters

Go down

PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed Empty PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Post  ptrp1977 Wed Aug 06, 2008 4:28 am

Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Nitz Miralles

Wednesday, August 6, 2008
03:34 PM



Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng tentative guest list ni Ogie Alcasid sa 20/20 anniversary concert niya na gaganapin sa Araneta Coliseum sa September 27. Sa 20 guests ni Ogie, dalawa ang Kapamilya, walo ang freelance (mga singers na puwedeng mag-guest sa ABS-CBN at GMA-7), at sampu ang mga Kapuso.



Ang dalawang Kapamilya ay sina Gary Valenciano at Piolo Pascual; sina Pops Fernandez, Nyoy Volante, Joey Generoso ng Side A, Rico J. Puno, Nonoy Zuńiga, Rey Valera, Top Suzara, at Hajji Alejandro naman ang mga freelance.



Pinangungunahan naman ng kasintahan ni Ogie na si Regine Velasquez ang guests na taga-GMA-7. Ang iba pa'y sina Janno Gibbs, Jaya, Kyla, Michael V, Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, Iza Calzado, Lovi Poe, at Marian Rivera.



Ipinauna na ni Ogie na kumain bago pumasok sa Big Dome o kaya'y magdala ng pera na pambili ng merienda, dahil may kahabaan ang concert niya. Sa guests pa lang, kakain na ng malaking oras dahil ang iba sa kanila'y may solo spot, may makaka-duet din si Ogie, at may mga sasayaw rin. Huwag din daw magbabaon ng food dahil bawal sa loob ng Big Dome at hanggang sa mga kamay lang ng ushers at security aabot ang mga ‘yon.



Si Rowell Santiago ang director ng 20/20 at si Gerard Salonga naman ang musical director.



Bukod sa kanyang fans na 20 years nang sumusuporta sa kanya, ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at ang dalawa nilang anak ang special guests ng singer-comedian sa kanyang concert. Darating ang kanyang mag-iina sa mismong linggo ng concert at mananatili sila rito ng ilang araw. Ngayong taon lang babalik si Michelle at ang kanilang mga anak mula nang sila'y mag-relocate sa Australia.



Tiniyak ni Ogie na magugustuhan ang kanyang repertoire—mga kantang isinulat at kinanta niya; isinulat niya for other singers; at mga kanta na hindi siya ang sumulat, pero pinasikat niya. Kasama rin siyempre ang sinulat niyang movie theme songs at mga kantang kasama sa bagong album niyang The Great Filipino Song Book under Universal Records.



Mabibili na ang tiket sa Ticketnet at P3,000; P2,000; P1,500; P1,000; P500; at P250.00.



SELOS FACTOR.
Sa ibang balita, napapangiti lang si Ogie sa kantiyaw ng mga kaibigan na dapat magselos siya sa kissing scenes nina Regine at Mark Anthony Fernandez sa Ako Si Kim Samsoon. May mga nagsa-suggest namang magpa-link siya kay Marian, na kapareha niya sa music video ng "Kung Sakali," carrier single ng bago niyang album para amanos sila ng girlfriend.



"Pareho naming kaibigan ni Regine si Marian, at ako pa ang nagpakilala sa kanilang dalawa," sabi ni Ogie sa PEP. "Nagagandahan ako kay Marian at alam ito ni Regine. Noong bago pa lang siya, binabati-bati ko na at sinasabi ko na kay Regine na ang ganda-ganda ni Marian.



"Close silang dalawa. Lagi ngang invited si Marian sa mga party sa bahay nila ni Regine. ‘Tsaka hindi marunong magselos yun [Regine]. Nakakatuwa lang ang ibang tao."



ALBUM FOR ROBBY. Inalam din ng PEP kay Ogie kung totoo ang nabalitang ipo-produce nila ni Regine ng album under their iMusic label si Robby Navarro ng Pinoy Idol.



"Pinag-iisipan namin. Sayang kasi kung hindi siya magkaka-album, magaling siyang singer," sabi ni Ogie.



Very vocal si Ogie sa pagsasabing magaling si Robby, na bet niya ito simula nang mapasama ito sa Top 12 ng Pinoy Idol. Hindi rin niya naitago ang disappointment nang ma-eliminate agad si Robby.
ptrp1977
ptrp1977
Moderator

Posts : 54
Join date : 2008-08-06
Location : SPACE.... The Final Frontier

Back to top Go down

PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed Empty Re: PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Post  tulips Wed Aug 06, 2008 5:11 am

thanks 4 sharing.....

tulips
Moderator

Posts : 10
Join date : 2008-08-06

Back to top Go down

PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed Empty Re: PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Post  nini Wed Aug 06, 2008 5:24 am

THANK YOU MILL, ANG BAIT NI OGIE AND REGINE, Very Happy Very Happy Very Happy
IMAGINE MO? PALAGI PA NILANG INIMBITAHAN SA HOUSE NILA! Basketball
BASTA! IM HAPPY! cheers bounce bounce bounce
nini
nini
Moderator

Posts : 14
Join date : 2008-08-06
Location : Quizon city mla. philippines

Back to top Go down

PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed Empty Re: PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Post  downfall Fri Aug 08, 2008 1:53 am

grabe...


pagpapalain cla nian..hahaha
downfall
downfall
Moderator

Posts : 42
Join date : 2008-08-06

Back to top Go down

PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed Empty Re: PEP: Tentative list of Ogie Alcasid's guests on his "20/20" concert revealed

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum